Alamin paano nga ba mag negosyo ng 7-Eleven?

September 24, 2017



Welcome po muli sa ating Usapang Business Tayo at ngayon pag uusapan po natin panu ba magsisimula ng negosyo sa 7-Eleven.

Ang Seven Eleven na mas kilala sa 7-Eleven ay nagsimula noong Oktubre 26, 1982, Philippine Seven Corp. (PSC) ay na acquired ang license agreement ng 7-Eleven Convenience Store System sa Pilipinas na ang tanging misyon ay ipakilala ang bagong consepto ng retailing sa mga Pilipino. Ito ay nag ooperate ng 24 oras na convenience store.

Ang unang branch na nabuksan ay matatagpuan sa corner ng EDSA at Kamias Road, Lungsod ng Quezon noong 1984.
Simula noon ang PSC nagpatuloy sa paglago at binuksan ang pinto ng mundo ng Franchising noong 1998.

Panu gumagana ang Franchising ng 7-Eleven

Simula ng unang Franchisee noong 1998. Ang Business Model ng 7-Eleven ay subok na sa tagumpay at may unique system supports ng PSC at sa kanyang mga Franchisee. 

May Feature back end system na sumusuporta sa paglago ng produkto, store maintenance at bookkeeping services kaya ang Franchisee ay mas abala sa Store Operations and sales building activities ng store.

Sa ngayon ay may higit na 1,000 stores franchised na nag represent na 70% ang network nationwide.

7-Eleven Supports System
·        
    Training program- Magbibigay sila ng comprehensive franchise training program para sa iyo.
·        Property and Equipment Investment- May periodic equipment maintenance or replacement.
·        Promotional Activities- Lahat ng stores ay may buwan na promosyon, pagkakaroon ng POP materials at iba pang collateral.
·        Bookkeeping Assistance- Bookkeeping System na magbibigay ng buwanang ulat at store audits.
·        Counselling Services- Weekly meetings sa Field Consultant
·        Systemized Delivery and Logistics.

Mga Qualifications sa 7-Eleven Franchising
·      
  Abilidad na mapunduhan ang required investment.
·        Handang sumabak sa full time training, Apat na lingo na training.
·        Handang ilaan ang oras upang bantayan ang araw araw na operasyon ng store.

·        Handang magtrabaho mabuti, Mangalaga ng inyong mga tao, Pag monitor ng finances at umaktong manager ng inyong store.
·        Dapat ay may background experience sa Retail Management and Customer Service.

·        Handang makipag tulungan at guidance ng inyong Franchisor’s.


Franchise Process

Step 1- Initial Contact

Kumpletuhin ang online inquiry form at dumalosa Franchise briefing tuwing Lunes at huwebes sa oras na 10AM o 2PM sa 7F Columbia Tower, Ortigas Avenue, Mandaluyong City.

Step 2- Pre-Qualification

Pumili ng site sa kanilang list o kung mayroon ka ng site na gusto ay hayaan ang 7-Eleven ang mag evaluate ng inyong site.

Step 3- Preparation of Business Plan

Pagkatapos piliin ang inyong lokasyon ay ibigay ang maging abilidad ng inyong store.

Step 4- Interview with the Approval Committee

May three level na interview ito.

Step 5- Memorandum of Agreement Signing

Pagkatapos ipasa ang interviews, ang mga legal documents ay ihahanda upang iyong mapagaralan bago ka pumirma ng kontrata. Ito’y bilang pagsisiguro na nauunawaan mo ang 7-Eleven Franchise.

Step 6- Training

Humanda sa isang buwan na training at malaman ang 7-Eleven Operations

Step 7- Store Opening and Turn Over

Sa loob ng apat o anim na buwan, puede mo na mai operate ang iyong 7-Eleven Convenience Store.

Franchise Investment Package

Sructure
Franchise New Store
Land
Franchisee
Building
Franchisee Owned or leased
Store Management
Franchisee
Investment

Merchandise
P 800,000.00
Equipment
7-Eleven
Franchise Fee
P 600,000.00
Joining Fee
Construction cost (estimated 2.03 M)
Store Supplies
P 170,000.00
Advance Rent and Deposit
Depending on the lease terms
TOTAL CASH OUTLAY
P3.5 M and UP


EXPENSES

Operating Expenses
Franchisee
Rent
Franchisee
Electricity
50%-50%
Supplies
Franchisee
Inventory Variation
Franchisee


Expected Store Opening Turn Over
4-6 Months
Income Sharing
Gross Profit Split(fixed)
66%- Franchisee
34%- 7-Eleven
Contract Term
5 Years, renewable for another 5 years

Regular Franchise Briefing:
Every Mondays and Thursdays @ 10AM and 2PM
Para sa karagdagang kaalalaman maaaring bisitahin ang kanilang website na www.7-eleven.com.ph

Sa panahon po ngayon, napaka halaga stores dahil sa unang una sa lahat ay pagkain po ito na kailangan ng bawat tao. Kaya ano pa ang ating hinihintay mga kababayan. Kung swak sa iyong budget ang investment na ito. Subukan po natin at makatulong po tayo sa iba na mabigyan ng hanapbuhay ang ilan po nating kababayan.

Ayan sana po ay may natutuhan at natulungan po namin kayo ukol sa Franchising ng 7- Eleven. Kaya ano pa hinihintay po natin mag negosyo na po tayo.

Kung kayo po ay may katanungan sa artikulong ito na hatid sa inyo ng Usapang Business Tayo. Maari ninyo akong I email sa usapangbusinesstayo@gmail.com.
Paki share and like na lang po ang ating website na http://usapangbusinesstayo.blogspot.com at ang FB Page na https://facebook.com/UsapangBusinessTayo
Maraming maraming salamat po. Hanggang sa muli at magandang araw sa ating lahat J



Kung gusto mong makatanggap ng mga bagong ideya sa business? Mag subscribe na sa Usapang Business Tayo
Enter your email address:


Delivered by FeedBurner

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Like us on Facebook

Subscribe Now

If you want to receive any information about business please subscribe to Usapang Business Tayo

Enter your email address:


Delivered by FeedBurner